Matagal ko nang binabalak bumalik sa eskwelahan ko ng high school, hindi matuloy-tuloy dahil sa maraming dahilan. Pero isang beses nang mapadaan ako dito, hindi na nagpigil ang mga paa ko papasok ng gate. Tamang-tama, sinabi ko, bakasyon at walang gaanong tao noon. Dahil hindi ko pa rin nakukuha ang diploma ko, naisip kung gawing dahilan yun pag tinanong ako ng security guard. Pero walang sumita sa akin, yung estudyanteng hindi naka pin ang ID ang pinag-initan ng sikyo. Natawa ako sa sistema. Wala pa ring pagbabago
Malaki ang eskwelahan ko. Habang inatahk ko ang mga papuntang hig school building, , bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko ko paano ko lakarin ang daan na yon dati, paan ang mabibigat na backpack at naghahanol sa flag ceremony
Naalala ko rin ang barkada ko noong 4th year nang madaanan ko ang school canteen
Iba naman ang hitsura ng likod ng high school buliding. Marami, bago at magaganda na ang mga bench. Mas marami na ring halaman. Dito kami lagi nagpa-practice para sa mga group presentations sa ibat-ibang subject. Dito kami pinagpupulot ng mga dahon pag nag popower trip ang mga teacher, At dito rin kami naghahanap ng mga paglalruang bulate pag kami naman ang nagpopower trip.
Walang pagbabago ang high school building, habang iniikot ng buong building ang isispan ko. Nakita ko ang library kung saan klailangan mo munang makipag-espadahan sa librarian na bumubuga ng apoy bago makaplabas ng libroPinuntahan ko ang biology room. Puro shell at patay na hayop ang laman. Dinaanan ko ang mga classroom, nakita ko pa ang sarili ko nakaupo sa isa sa mga upuan. kinabahan ako habang iniikot dahil baka makita ako ng teacher at tanungin kung anung section ako at magsumbong sa adviser ko, pero wala. Mag-isa lang pala ako. Walang ibang taosa paligid.Tahimik, Nakakbingi.
bago umuwi, umupo muna ako sa hagdanan ng stagesa quarangle at nagpahinga. Pugad ng section namin yun dati pag vacant period. Di maiiwasang mag senti. Iniisip ko, saan nagpunta ang mga kaklase ko pagkatapos naming magpalitan ng autographs, picture yakap at paalam noong graduation day. Ano ang nangyari sa mga takot namin? Malakas pa rin kaya silang tumawa? Malakas pa kaya ang teacher ko? Paano ko sila mapapapsalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?
Paglabas ko ng high school building, napansin ko ang iba pang building na dati ay wala. Itinirik ang mga ito sa lugar na dati ay puro puno. kinayod na ang dati naming tambayan. Wala na ang mga tuyong dahon, basang damo, makating higad at tae ng ibon. Wala na rin ang alala ng mga nabuong samhan at pagkakaibigan ng mga batang sabay-sabay nakipagkilala sa mundo.
Halong saya at lungkot ang baon ko pauwi. DAhil nakuha ko na ang diploma, Posibleng yun na ang huling dalw ko sa lugar na kumupkop sa mapangarap kong kabataan.
NAkabalik ako sa lugar, pero di naibalik ang panahon.
"Thank you and goodbye"
Yan ang mga salitang binibitiwan namin noong high school pagkatapos magturo ng teacher. Automatic ang pagsasabi niyan. kahit nakatulog kami sa lecture o nag sermon lang ang teacher buong period.
Kung ang mga magulang na konti ang anak e nauubusan ng pasensya, paano pa kaya ang mga gurong sangkaterbang bata ang kaharap araw-araw?
Maraming bagay ang naituro ng teacher sa mga estudyante nang hindi sinasadya. Maraming bagay ang natutuban ng mga estudyante na di nila alam" A teacher affects eternity, no one can tell where his infuences stops". Para sa lahat ng magaganda at pangit na lesson plan at hindi kasama sa binayaran kong miscellaneous fee. nagpapaslamat ako sa mga teacher ko at eskwelahan.
Sunday, October 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment